Ano Ang Disposisyon Ng Mga Prayle Sa Palabas Sa Teatro? Kabanata 21
Ano ang disposisyon ng mga prayle sa palabas sa teatro? Kabanata 21
El Filibusterismo
Kabanata 21: Mga Anyo ng Taga - Maynila
Ang mga prayle ay hindi sang ayon sa palabas sa teatro. Sapagkat ang palabas na ito ay gumagamit ng mga babaeng mananayaw na ang mga saya ay maluwag na tila kampana at sa tuwing sila ay sumasayaw ang kampana ay tila patikwas tikwas habang ang kanilang mga paa ay isinisipa paitaas. Para sa mga prayle ang mga ganitong uri ng palabas ay hindi katanggap tanggap sapagkat ito ay malaswa at imoral. Mangyari na ang kwento ng palabas na ito ay tungkol sa isang babae na nailigtas mula sa pagkalunod at nangakong pakasalan ang sinumang tagapagligtas niya. May isang lalaking nagtangkang akuin ang pagkakaligtas sa bidang babae upang mapasakanya ang pag ibig nito ngunit ang totoong tagapagligtas ay nabagabag kaya naman sinikap niyang ipaalam ang totoo sa babae na natutunan na rin niyang pahalagahan matapos niya itong mailigtas mula sa pangil ng kamatayan. Kasabay nito, sinasabing ang lalaking tagapagligtas ay nagmamay - ari ng isang kastilyo na puno ng ginto at ang kampana na matatagpuan sa loob nito o ang kampana ng Corneville ay tutunog lamang sa oras na mapatunayan na ang papasok at magmamay ari sa kastilyong ito ay ang syang karapat dapat. Ito ang bagay na hindi naibigan ng mga prayle ang paggamit ng kampana bilang simbolo ng mga kababaihan. Sapagkat itinuturing nila na sagrado ang kampana bilang simbolo ng simbahan.
Read more on
Comments
Post a Comment